ALERT | Iligal na inaresto ang iba't-ibang graffiti artist, hiphop artist, mamamayan habang nagtitipon para makiisa sa SONA Ng Bayan. Ang mga Ito ay mula sa Junkie Rebels Crew, Hiphop United Against Corruption, Skaters United, Vandals United, Defend the Hood, mga miyembro ng bandang Walktrip at Matoki at mga battle emcees mula Kuwagagohan, Raplines, at Banghayan.
Mariin namin kinukondena ang marahas na panghuhuli sa mga mamamayang lumalaban na walang ibang ginawa kundi ipahayag ang kanilang mga hinaing at demokratikong kahilingan.
Nananawagan kami na kagyat na palayain ang lahat ng iligal na inaresto!
Source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=892832277230819&id=100095121653307